Isa na siguro ang almoranas o hemorrhoids sa mga sakit na nahihiyang
aminin o pag-usapan ng isang taong nagtataglay nito dahil ang bahagi ng
katawan na apektado ay ang puwet, partikular ang labasan ng dumi. Pero
ano nga ba ang almoranas at papaano ito malulunasan? Namamana nga ba
ang sakit, o nakukuha sa madalas na pagkain ng maanghang? Alamin.
Sa talakayan ng programang "Pinoy MD," sinabi na ang almoranas ay
pamamaga ng ugat sa puwetan na nagdudulot ng pagbabara sa daluyan ng
dumi. Sa ilang sitwasyon, lumalabas sa puwerta ng puwet ang mismong
namagang ugat.
Ayon kay Dr. Neil Aquino, isang surgeon, puwedeng
walang sakit na nararamdaman ang may almoranas, habang mayroon din na
nakararamdam ng sakit kahit nasa loob ang almoranas.
Ilan sa
sintomas o palatandaan ng almoranas ay nakararamdam ng pangangati sa
puwetan, hirap na mailabas ang dumi, at kung minsan ay may dugo sa dumi.
Dahil may mga haka-haka tungkol sa kung papaano nakukuha ang almoranas,
sinabi ni Dr. Aquino na hindi nakukuha ang naturang sakit sa pagkain ng
maanghang pero maaari nitong palalain ang almoranas.
Dagdag pa
ng duktor, may katotohanan na maaaring mamana ang almoranas. Base umano
sa pag-aaral, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng almoranas ang
anak kung ang magulang niya ay nagkaroon ng naturang sakit.
Ilan
umano sa mga sanhi ng almoranas ay chronic constipation o hirap sa
pagdumi at pag-iri, low fiber ang mga kinakain, at hindi mahilig uminom
ng tubig.
Kung hindi pa malaala ang almoranas, maaaring gamutin ito sa pagpahid ng hydrocortisone cream.
Kung hindi pa malaala ang almoranas, maaaring gamutin ito sa pagpahid ng hydrocortisone cream.
Pero sa mga malala na ang almoranas, kailangan na itong operahan gaya
ng rubber band ligation, na nilalagyan ng goma ang namamagang ugat upang
maputol pagkaraan ng ilang linggo. Ginagawa rin ang pag-inject ng
sclerotherapy o isang uri ng kemikal para lumiit at humupa ang pamamaga
ng ugat.
Gayunpaman, hindi naman daw dapat mag-alala ang mga may almoranas dahil hindi ito nauuwi sa mas malalang komplikasyon.
Makatutulong na panlaban sa almoranas ang pagkain ng hi-fiber foods
gaya ng green leafy vegetable, prutas gaya ng abocado, at oatmeal, at
pag-inom ng tubig na magpapaganda sa digestive system para hindi
mahirapan sa pagdumi.
Panoorin ang buong pagtalakay sa isyu ng almoranas:
Source: GMA - Pinoy MD
You really ought to try it, either full-time or over weekends. We have a great business opportunity. You can run it from home full time or part time, or any combination.
PS: If you haven’t recruited anyone, or fewer than 10 people, This Online Marketing Training's Course will Help (For Filipino Only) - For Other Nationalities, Click Here.
No comments:
Post a Comment