Friday, 27 October 2017

Ano Ang Sintomas Ng Trangkaso O Flu?

ANO ANG MGA SINTOMAS NG TRANGKASO O FLU?

Ang mga sintomas ng trangkaso ay biglaang dumadating makalipas lamang ang 1-2 araw matapos mahawa nito. Sa umpisa, ang pasyente ay maaaring ginawin at makaramdam ng lagnat at pananakit ng katawan. Heto ang mga sintomas ng trangkaso:
  • Lagnat
  • Panginginaw at panginginig
  • Ubo’t sipon
  • Pagbabara ng ilong
  • Pagbabago ng panlasa
  • Pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan
  • Sakit ng ulo
Bukod dito, marami pang ibang sintomas na pwedeng maging bahagi ng trangkaso gaya ng pagsusuka, pagtatae, at pagkakaroon ng rashes o butlig-butlig sa balat. Kung mapapansin ninyo, ang mga sintomas ng trangkaso ay napakakaraniwang sintomas at hindi tanging sa trangkaso lamang mararanasan; may mga sakit na mukhang trangkaso pero kung susuriing mabuti ay iba palang kalalagayan gaya ng Dengue Fever o Typhoid. Dahil dito, mahalagang magpatingin sa doktor para matiyak ng trangkaso nga ang iyong nararamdaman.

KAILAN DAPAT MAGPATINGIN SA DOKTOR KUNG MAY TRANGKASO?

Gaya ng nabanggit sa itaas na talata, maraming sakit na mukhang trangkaso, gaya ng dengue, typhoid, at iba pa. Ipatingin sa doktor ang “trangkaso” kung mataas na mataas ang lagnat, kung may mga sintomas ng pagdudugo, at kung hindi pa gumagaling ang trangkaso na mahigit isang linggo na. Bantayan din ang katawan: kung mukhang matamlay at tuyo ang bibig, maaaring mayroong kakulangan sa tubig o “Dehydration”: sa ganitong mga kaso maaaring makabuti kung i-confine ang pasyente sa ospital para kaagad mabigyan ng tubig at sustansya.

Recommended DXN products:
  • Rishi Gano (RG)
  • Ganocelium (GL)
  • Spirulina
  • Roselle
  • Andro-G

To buy cheaper price, get DXN Membership Discount Code#, join now, go to "How To Join" menu page.

No comments:

Post a Comment